Programa ng SM Foundation para sa magsasaka, inilunsad sa Baguio, Benguet

Ang paglulunsad ng KSK sa Sitio Liw-liw, Tuba, Benguet

Sa layuning mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bansa, muling naglunsad ang SM Foundation ng kanilang programang Kabalikat sa Kabuhayan. 

Ang nasabing programa ay inilunsad sa Sitio Liw-liw, Tuba, Benguet; Brgy. Calamay, Sablan, Benguet; at Purok 1, Happy Hollow, Baguio City.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, layon ng SM Foundation na bigyang bagong sigla ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagtuturo ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga modernong teknolohiya, pagne-negosyo, at iba’t iba pang aspeto ng pagsasaka.

Ang mga kalahok ng KSK training sa Happy Hollow, Baguio City

Ang SM Foundation ay patuloy na nagbibigay-halaga sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at nagsusumikap na maging katuwang ng mga magsasaka sa pagtataguyod ng sapat na pagkain at agripreneurship sa bansa.

Simula ng ilunsad ni Henry “Tatang” Sy, Sr. noong 2008, mahigit 28,000 na magsasaka na ang nakapagtapos sa nasabing programa.

Brgy. Bayabos, Sablan Benguet